Monday, July 17, 2006

Susmaryosep!




Paminsan-minsan nalang talaga ako mag-update dito sa sobrang busy pero di ko palalampasing makwento ang nangyari ngayong araw na ito.

Masaya kami ni Et pag Monday kasi half day lang kami. Pwedeng pwedeng gumimik, umuwi ng maaga, matulog, magpahinga, humilata, manuod ng sine o ng TV, magdrawing, sumayaw, tumambay... dahil nga half day lang. Madalas umuuwi lang kami para makabawi sa tulog pero ngayong Lunes ng linggong ito, pinlano namin na dumayo sa 168! Ayos diba? Pareho kaming hindi pa nakakarating dun kaya talagang galak kaming makapunta at maranasan kung anong pakiramdam mag-shopping doon.

Ayan na... nagtsinelas na kami at naglakad patungong Morayta para sumakay ng jeep na Divisoria. Unti-unti na naming natatanaw ang Tutuban Shopping Center, ibig sabihin malapit narin ang 168 Shopping Mall (sosyal!). Heaven dun (ika nga ni Alyana!). Maraming mabibili at mga mura pa pero di rin masyado nakakatuwa eh. Ewan basta shopping parin. Medyo konti lang naman nabili namin eh kasi plano talaga eh tumingin lang para sa susunod alam na namin kung ano ang bibilhin. Panay dibidi na tig-singkwenta lang (oops piracy!), sticker na bente pesos pero 700 na yung laman, pati isang pantalon lang ang nabili namin. Ayun... Solve na!

Uwi kami mga 4. Sakay naman ng Morayta na jeep. Hindi pa kami nakakababa ayan na ang lakas na ng buhos ng ulan. Ayos na naman! Sa sobrang lakas nag-stop over muna kami sa St. Thomas Square. Ayan ikot ikot na naman hanggang sa medyo tumila na ang ulan. Nang hindi na namin matiis dahil gusto na talaga namin makauwi sinubukan na naming makasakay...

Hala! Umulan ng malakas kaya... BAHA! Ulupong! Ngayon lang talaga ako nakakita ng baha na nag-wwave na Live ah! Kasi sa TV ko lang madalas mapanuod yun eh. Waah! Grabe! Nakakaloka talaga yun! Literal! WooH! Ayos talaga. Buong Espanya ata nagbaha kaya wala nang FX, jeep o bus na dumadaan. Kung meron man di na kami mapapara nun kasi umaapaw na talaga ang tubig sa gutter. Wala kaming magawa kung hindi lumakad nalang...

Lumakad hanggang Welcome Rotonda... No joke yan ah. Medyo nag-jeep din pero sandali lang yun kasi maliligaw na kami kung di pa kami makababa. Ang layo talaga nun kung tutuusin pero masaya rin kasi kakaibang experience din. Sus ginuo! Kakaiba talaga noh! Talagang naisip namin na i-blog yan habang naglalakad kami. Awa naman ng Diyos nakasakay na kami ng bus at pareho kaming nakatulog sa byahe. Whew!





Wonders nga naman ng nag-aaral sa Maynila! Adventure talaga kung adventure!
Nakakainis na nakakatawa narin at the same time!

Wooh! :)

ACY smiled at 5:14 PM
|

Counters
Free Counters

PEOPLE
alya
anna
andy
andrea
angeli
anj
berna
dadine
danica
danielle
dichi
dom
dyep
dyriz
eia
et
fati
g.i.
gel v
hannah b.
hani
izell
joyce
kaye
kat
kenwyn
ki
leo
maiko
marem
monic
monte

PEOPLE
ms besinga
nadine
nic
nikko
pao
riri
sam
sammie
sir trogo
tasing
trixie
yeye
yra

ala-ism
bianca gonzalez
jakee photos
jim paredes
paula peralejo

TRAVEL

  • November 2004

  • December 2004

  • January 2005

  • February 2005

  • March 2005

  • April 2005

  • May 2005

  • June 2005

  • July 2005

  • August 2005

  • November 2005

  • January 2006

  • February 2006

  • March 2006

  • April 2006

  • June 2006

  • July 2006

  • November 2006

  • February 2007

  • smile multiply
    johari window
    DOS blog